Matthew 15:9
Sinasamba nila ako na walang kabuluhan, dahil ang itinuturo nila bilang mga doktrina ay ang mga utos ng mga tao.'''
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But in vain they do worship me, teaching for doctrines the commandments of men.
In Context
Cross References
Exodus 20:7Hindi ninyo dapat kunin ang pangalan ko, si Yahweh ang inyong Diyos, sa walang kabuluhan, dahil hindi ko ituturing na walang pagkakakasala ang sinumang kukuha ng pangalan ko sa walang kabuluhan.
Leviticus 26:20Mauubos ang inyong lakas para sa wala, sapagkat hindi magkakaroon ang inyong lupa ng ani at hindi mamumunga ang inyong mga punong kahoy na nasa lupain.
1 Samuel 25:21Ngayon sinabi ni David, “Tiyak na walang kabuluhan ang lahat ng pagbabantay ko sa lahat ng mayroon ang taong ito sa ilang, kaya wala ni isang nawawala na lahat ng nasa kanya, at ibinalik niya sa akin ang masama para sa mabuti.
Psalms 73:13Sadyang walang kabuluhan na bantayan ko ang aking puso at hugasan ang aking mga kamay sa kawalang-kasalanan.
Ecclesiastes 5:2Huwag agad-agad magsasalita ang inyong bibig, at huwag hayaan ang inyong puso ay agad-agad maghain ng anumang bagay sa harapan ng Diyos. Ang Diyos ay nasa langit, ngunit ikaw ay nasa ibabaw ng mundo, kaya hayaang kakaunti ang iyong mga salita.
Isaiah 29:13Sinabi ng Panginoon, “Ang bayang ito ay lumalapit sa akin gamit ang kanilang bibig at pinararangalan ako gamit ang kanilang mga labi, pero malayo ang kanilang puso sa akin. Ang pagpaparangal nila sa akin ay isang kautusan na itinuro ng mga tao.