Matthew 17:12
Ngunit sinasabi ko sa inyo, si Elias ay dumating na, ngunit siya ay hindi nila nakilala. Sa halip, ginawa nila ang nais nilang gawin sa kaniya. Sa gayon ding paraan, ang Anak ng Tao ay magdurusa rin sa kanilang mga kamay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
11Sumagot si Jesus at sinabi, “Totoo na darating si Elias at aayusin ang lahat ng mga bagay.
13At naintindihan ng mga alagad na ang tinutukoy niya ay si Juan na Tagapagbautismo.
Cross References
Isaiah 53:3Siya ay hinamak at itinakwil ng mga tao; isang taong maraming kalungkutan, at siyang pamilyar sa sakit. Kagaya ng isang pinagtataguan ng mga tao ng kanilang mga mukha, siya ay hinamak; Itinuring namin siyang hindi mahalaga.
Matthew 11:9Ngunit ano ang nilabas ninyo para makita—isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo at mas higit pa sa isang propeta.
Matthew 16:21Magmula sa oras na iyon sinimulang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Jerusalem, magdurusa ng maraming bagay sa kamay ng mga nakatatanda at sa mga punong pari at sa mga eskriba, papatayin at mabubuhay muli sa ikatlong araw.
Matthew 21:32Sapagkat si Juan ay pumunta sa inyo sa daan ng katuwiran, subalit hindi ninyo siya pinaniwalaan, samantalang ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw ay naniwala sa kaniya. At kayo, noong nakita ninyo na nangyari, hindi man lang kayo nagsisi pagkatapos nito upang maniwala sa kaniya.
Mark 9:12Sinabi niya sa kanila, “Tunay na mauunang darating si Elias upang ibalik sa dati ang lahat ng bagay. Kung gayon bakit nasusulat na ang Anak ng Tao ay maghihirap ng maraming bagay at kasusuklaman?
Luke 3:19Sinaway din ni Juan si Herodes na tetrarka, dahil pinakasalan niya ang asawa ng kaniyang kapatid na lalaki, na si Herodias, at sa lahat ng iba pang kasamaan na ginawa ni Herodes.