Matthew 18:17
At kung tumanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa iglesiya. Kung siya ay tumanggi na makinig sa iglesiya, ituring ninyo siyang gaya ng isang Gentil at maniningil ng buwis.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 22:15Dumating sila sa mga tao ng Ruben, Gad, at ng kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, at nagsalita sila sa kanila:
Ezekiel 11:12At malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang kautusan na hindi ninyo nilakaran at ang mga utos na hindi ninyo tinupad. Sa halip, tinupad ninyo ang mga utos ng mga bansang nakapalibot sa inyo.”
Matthew 6:7At kung mananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng paulit-ulit ng mga walang kabuluhang salita tulad ng ginagawa ng mga Gentil, sapagkat iniisip nila na mas maririnig sila dahil sa dami ng kanilang sinasabi.
Matthew 21:31Alin sa dalawang anak na lalaki ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sabi nila, “Ang nauna.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaing nagbebenta ng aliw ay mauunang makapasok sa kaharian ng Diyos bago kayo.
Luke 18:11Tumayo ang Pariseo at ipinanalangin ang mga bagay na ito tungkol sa kaniyang sarili, 'Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo dahil hindi ako katulad ng ibang taong magnanakaw, mga hindi matuwid, mga mangangalunya, o tulad ng maniningil ng buwis na ito.
Acts 6:1Ngayon sa mga araw na ito, nang ang bilang ng mga alagad ay dumarami, nagsimula ang reklamo mula sa mga Helenista laban sa mga Hebreo, sa dahilan na ang kanilang mga babaing balo ay napapabayaan sa araw-araw na pamamahagi ng pagkain.