Matthew 2:13
Pagkatapos nilang umalis, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita kay Jose sa panaginip at sinabi, “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas kayo patungong Egipto. Manatili kayo doon hanggang sa sasabihin ko, sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin siya”.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Sa gabing iyon, bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at umalis patungong Egipto.
Cross References
Exodus 2:2Nabuntis ang babae at nagsilang ng isang anak na lalaki. Nang makita niya na malusog ang bata, itinago niya ito ng tatlong buwan.
Joshua 3:17Nakatayo sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan ang mga paring nagbuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh hanggang nakatawid na ang lahat ng bayan ng Israel sa tuyong lupa.
Joshua 4:18Nang umahon ang mga paring nagbubuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh mula sa kalagitnaan ng Jordan, at ang mga talampakan nila ay inahon sa tuyong lupa, tapos nanumbalik ang mga ang tubig ng Jordan at umapaw sa mga pampang nito, gaya noong apat na araw na ang nakakalipas.
Job 33:15Sa panaginip, sa pangitain sa gabi, kapag mahimbing na natulog ang mga tao ay dumating, sa pagkakatulog sa higaan -
Daniel 3:25Sumagot siya, “Ngunit apat na kalalakihan ang aking nakikita na hindi nakagapos at naglalakad sa gitna ng apoy at hindi sila nasaktan. Ang kinang ng ika-apat ay tulad ng anak ng mga diyos.”
Matthew 2:12Binalaan sila ng Diyos sa panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya umiba sila ng daan pauwi sa kanilang bayan.