Mateo 20:14
Tanggapin mo ang para sa iyo at humayo ka. Kagalakan ko ang magbigay sa mga nahuling mga manggagawa na inupahan katulad ng sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Take that thine is, and go thy way: I will give unto this last, even as unto thee.
In Context
Cross References
2 Kings 10:30Kaya sinabi ni Yahweh kay Jehu, “Dahil nagawa mong mabuti ang pagsasagawa kung ano ang matuwid sa aking paningin, at nagawa sa bahay ni Ahab ayon sa buong kalooban ng aking puso, ang inyong mga kaapu-apuhan ay uupo sa trono ng Israel hanggang sa apat na salinlahi.”
Matthew 6:2Kung magbibigay ka ng mga limos, huwag mong patunugin ang isang trumpeta para sa iyong sarili tulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap sa mga sinagoga at sa mga lansangan, upang sumakanila ang papuri ng mga tao. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.
Matthew 6:16Bukod doon, kung mag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang nagdadalamhati katulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap, sapagkat dinudungisan nila ang kanilang mga mukha upang makita ng mga taong nag-aayuno sila. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.
Luke 16:25Ngunit sinabi ni Abraham, 'Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo, natanggap mo ang mga magagandang bagay, at si Lazaro sa ganoon ding paraan ay masasamang bagay. Ngunit ngayon, siya ay inaaliw dito, at ikaw ay nagdurusa.
Romans 3:4Hindi kailanman mangyayari. Sa halip, tapat ang Diyos kahit na ang bawat tao ay sinungaling. Gaya ng nasusulat, “Upang ikaw ay makitang matuwid sa iyong mga salita at mananaig kapag ikaw ay mahatulan.”