Matthew 20:22
Subalit sinagot siya ni Jesus at nagsabi, “Hindi ninyo alam kung ano ang iyong hinihiling. Kaya ba ninyong inumin ang tasa na aking iinumin?” Sinabi nila sa kaniya, “Kaya namin.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 75:3Kahit na ang mundo at lahat ng mga naninirahan ay nanginginig sa takot, papanatagin ko ang mga haligi ng daigdig. Selah
Isaiah 51:17Gumising ka, gumising ka, bumangon ka, Jerusalem, ikaw na ininom ang mangkok ng galit ni Yahweh mula sa kaniyang kamay; ikaw na ininom ang mangkok, ang mangkok ng pagsuray, at inubos mo ito.
Jeremiah 25:15Sapagkat ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Kunin mo ang saro ng alak ng matinding galit sa aking mga kamay at painumin mo ang lahat ng mga bansa kung saan kita isusugo.
Matthew 26:35Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kahit ako ay mamatay, hindi kita ikakaila.” At ganoon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
Matthew 26:42Umalis siya sa pangalawang pagkakataon at nanalangin, at nagsabi, “Aking Ama, kung hindi ito maaring lilipas maliban na inumin ko ito, ang kalooban mo ang magaganap.”
Mark 10:38Ngunit sumagot si Jesus sa kanila, “Hindi ninyo alam ang inyong hinihingi. Makakaya ba ninyong uminom sa tasang iinuman ko o tiisin ang bautismo na ibabautismo sa akin?”