Matthew 24:30
Pagkatapos nito, ang palatandaan ng Anak ng Tao ay lilitaw sa himpapawid, at kakabugin ng lahat ng mga tribu ang kanilang mga dibdib. Makikita nila ang Anak ng Tao na darating mula sa langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Zechariah 12:10Ngunit ibubuhos ko ang espiritu ng pagkahabag at pagsusumamo sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem, kaya titingin sila sa akin, na kanilang sinaksak. Tatangis sila para sa akin, gaya ng isang tumatangis para sa nag-iisang anak na lalaki; Mananaghoy sila nang may kapaitan para sa kaniya tulad ng mga nananaghoy sa pagkamatay ng panganay na anak na lalaki.
Matthew 24:3Habang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo, sarilinang lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi nila, “Sabihin mo sa amin, kung kailan mangyari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan sa inyong pagparito at ang katapusan ng mundo?”
Mark 13:4“Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan na ang lahat na ito ay malapit nang mangyari?”
Mark 14:62Sinabi ni Jesus, “Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao kapag nakaupo na siya sa bandang kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa ulap sa langit.”
Luke 22:69Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay mauupo sa kanang kamay ng kapangyarihan ng Diyos.”
2 Thessalonians 1:7at kaginhawaan sa inyong mga nagdalamhati na kasama namin. Gagawin niya ito sa pagpapakita ng Panginoong Jesus mula sa langit kasama ng mga anghel ng kaniyang kapangyarihan.