Matthew 25:41
At sasabihin niya sa mga nasa kaniyang kaliwa, 'Lumisan kayo sa akin, kayong sinumpa, sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 27:15'Nawa'y isumpa ang taong gumagawa ng isang inukit o hinulmang anyo, isang bagay na nakasusuklam kay Yahweh, ang gawa ng mga kamay ng isang manggagawa lalaki, at siyang naglagay nito ng palihim.' At lahat ng mga tao ay dapat sumagot at magsabi ng, 'Amen.'
Psalms 6:8Lumayo kayo sa akin, kayo na gumagawa ng kasalanan; dahil narinig ni Yahweh ang ingay ng aking pagtangis.
Psalms 119:115Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, para masunod ko ang mga kautusan ng aking Diyos.
Isaiah 66:24Lalabas sila at makikita nila ang mga bangkay ng mga taong nagrebelde laban sa akin, dahil ang mga uod na kakain sa kanila ay hindi mamamatay, at ang apoy na lalamon sa kanila ay hindi maaapula; at ito ay magiging nakakadiri sa buong sangkatauhan.”
Matthew 3:12Hawak niya ang kaniyang kalaykay upang linising maigi ang kaniyang giikan at tipunin ang kaniyang trigo sa bahay-imbakan. Ngunit susunugin niya ang mga ipa sa pamamagitan ng apoy na kailanman ay hindi maapula.”
Matthew 7:23At hayagan kong sasabihin sa kanila, 'Hindi ko kayo nakikilala! Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng masama!'