Mateo 26:61
at sinabi, “Sinabi ng taong ito, 'Kaya kong gibain ang templo ng Diyos at muling maipatayo sa loob ng tatlong araw.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And said, This fellow said, I am able to destroy the temple of God, and to build it in three days.
In Context
Cross References
Genesis 19:9Sabi nila, “Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto.
2 Kings 9:11Pagkatapos lumabas si Jehu sa mga lingkod ng kaniyang panginoon, at sinabi sa kaniya ng isa, “Mabuti ba ang lahat ng bagay? Bakit pumunta sa iyo ang baliw na taong ito?” Sumagot si Jehu sa kanila, “Kilala ninyo ang lalaki at ang mga uri ng bagay na sinasabi niya.”
Isaiah 49:7Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Tagapagligtas ng Israel, ang kanilang Banal, sa isang hinamak ang buhay, kinamuhian ng mga bansa, at isang alipin ng mga pinuno, “Makikita ka ng mga hari at tatayo sila, at makikita ka ng mga prinsipe at luluhod sila, dahil kay Yahweh na tapat, kahit ang Banal ng Israel, na pumili sa iyo.”
Jeremiah 26:8Kaya nangyari na, nang matapos ipahayag ni Jeremias sa lahat ng tao, sa mga pari, at sa mga propeta ang ipinapasabi ni Yahweh sa kaniya, hinuli siya ng lahat ng tao at sinabi, “Tiyak na mamamatay ka!
Matthew 12:24Ngunit nang marinig ng mga Pariseo ang mga himalang ito, kanilang sinabi, “Ang taong ito ay hindi nakapagpapalayas ng mga demonyo maliban sa pamamagitan ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. “
Matthew 27:40at nagsasabi, “Ikaw na sisira ng templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka riyan sa krus!”