Matthew 27:29
At gumawa sila ng koronang tinik at inilagay sa kaniyang ulo, at naglagay ng tungkod sa kaniyang kanang kamay. Sila ay nagpatirapa sa kaniyang harapan at kinutya siya, at nagsabi, “Sambahin, ang Hari ng mga Judio!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
28At hinubaran nila siya at nilagyan ng pulang pula na balabal.
30At siya ay dinuraan nila, at kinuha nila ang tungkod at hinampas siya sa ulo.
Cross References
Psalms 69:7Para sa iyong kapakanan, tinanggap ko ang panlalait; kahihiyan ang bumalot sa aking mukha.
Isaiah 49:7Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Tagapagligtas ng Israel, ang kanilang Banal, sa isang hinamak ang buhay, kinamuhian ng mga bansa, at isang alipin ng mga pinuno, “Makikita ka ng mga hari at tatayo sila, at makikita ka ng mga prinsipe at luluhod sila, dahil kay Yahweh na tapat, kahit ang Banal ng Israel, na pumili sa iyo.”
Jeremiah 20:7Hinikayat mo ako, Yahweh. Tunay nga akong nahikayat. Tinalo at nilupig mo ako. Ako ay naging katatawanan. Araw-araw akong kinukutya ng mga tao, sa lahat ng araw.
Matthew 26:49Agad-agad lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Binabati kita, Rabi” At hinalikan niya siya.
Mark 15:18Nagsimula silang saluduhan siya at sinabi, “Mabuhay, Hari ng mga Judio!”
John 19:2Ang mga sundalo ay pumilipit ng mga tinik upang gumawa ng korona. Inilagay nila ito sa ulo ni Jesus at dinamitan siya ng kulay lilang na kasuotan.