Matthew 27:56
Kabilang sa kanila ay si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at Jose, at ang ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 13:55Hindi ba siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kaniyang ina? At ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas?
Matthew 27:61Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon, nakaupo sa tapat ng libingan.
Mark 15:40Mayroon ding mga babaing nakatingin sa malayo. Kabilang sa kanila ay sina Maria Magdalena, Maria (ang ina ni Santiago na nakababata at ni Jose), at si Salome.
Mark 16:9Maaga sa unang araw ng linggong iyon, matapos siyang bumangon, una siyang nagpakita kay Maria Magdalena, na mula sa kaniya napalayas niya ang pitong demonyo.
John 19:25Ginawa ng mga sundalo ang mga bagay na ito. Ang ina ni Jesus, ang kapatid ng ina ni Jesus, si Maria na asawa ni Cleopas, at Maria Magdalena— ang mga babaeng ito ay nakatayo malapit sa krus ni Jesus.
John 20:18Pumunta si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, “Nakita ko ang Panginoon,” at sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa kaniya.