Matthew 4:1
Pagkatapos, pinangunahan ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Then was Jesus led up of the Spirit into the wilderness to be tempted of the devil.
In Context
2Noong nag-ayuno siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom.
Cross References
1 Kings 18:12Sa sandaling ako ay mawalay sa iyo, ikaw ay kaagad daldalhin ng Espiritu ni Yahweh sa isang lugar na hindi ko alam. Kapag ako ay pumunta at sabihin kay Ahab, at kung hindi ka niya makita, papatayin niya ako. Subalit ako, iyong lingkod, ay sumamba kay Yahweh mula pa sa aking kabataan.
Ezekiel 3:12Pagkatapos, itinaas ako ng Espiritu, at nakarinig ako ng tunog sa aking likuran na tulad ng isang malakas na lindol, na nagsasabi, “Pagpalain ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa kaniyang lugar!”
Ezekiel 8:3At inabot niya ang hugis ng isang kamay at dinala ako sa pamamagitan ng buhok ng aking ulo; itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at langit at sa mga pangitain mula sa Diyos, dinala niya ako sa Jerusalem, sa pasukan ng pinakaloob ng hilagang tarangkahan, kung saan nakatayo ang diyus-diyosang pumupukaw ng matinding paninibugho.
Ezekiel 11:24At itinaas ako ng Espiritu at dinala sa Caldea, sa mga binihag, sa pangitain mula sa Espiritu ng Diyos. At ang pangitaing aking nakita ay umakyat mula sa akin.
Ezekiel 43:5Pagkatapos, itinayo ako ng Espiritu at dinala ako sa panloob na patyo. Masdan mo! Pinupuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan!
Luke 4:1Nang si Jesus ay na puspos ng Banal na Espiritu, bumalik siya mula sa ilog Jordan at pinangunahan ng Espiritu sa ilang