Matthew 5:19
Kung gayon, sinuman ang lalabag ng kahit isa sa kaliit-liitan sa mga kautusang ito at nagtuturo sa iba na gawin ang paglabag nito ay tatawaging pinakahamak sa kaharian ng langit. Ngunit ang sinumang tumupad sa mga ito at itinuturo sa iba na tupariin ito ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:32Anuman ang sinabi ko sa inyo ay sundin ito. Huwag itong dagdagan o bawasan.
1 Samuel 2:30Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
Psalms 119:128Kaya nga, sumusunod ako nang mabuti sa lahat ng mga tagubilin mo, at napopoot ako sa bawat landas ng kamalian. PE.
Malachi 2:8Ngunit lumihis kayo mula sa totoong daan. Nagdulot kayo ng pagkatisod ng marami sa paggalang sa kautusan. Sinira ninyo ang kasunduan ni Levi,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Matthew 15:3Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “At kayo—bakit ninyo nilalabag ang kautusan ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian?
Matthew 20:26Subalit hindi dapat mangyari ito sa inyo. Sa halip, ang sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo ay dapat maging tagapaglingkod ninyo.