Matthew 8:32
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Pumunta kayo!” Lumabas ang mga demonyo at pumasok sa mga baboy. At masdan ito, nagmadali ang mga baboy pababa sa isang matarik na burol sa dagat at namatay silang lahat sa tubig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 22:22Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang mapanlinlang na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Uudyukan mo siya, at ikaw rin ay magtatagumpay. Pumunta ka na ngayon at gawin iyon.'
Job 2:3Nagtanong muli si Yahweh kay Satanas, “Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Sapagkat wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan. Nananatili pa rin siya sa kaniyang integridad kahit na pinilit mo akong gumawa ng laban sa kaniya, para sirain siya nang walang dahilan.”
Luke 8:33Kaya ang mga demonyo ay lumabas sa lalaki at pumasok sa mga baboy, at ang kawan ng baboy ay tumakbo nang mabilis pababa ng matarik na burol papunta sa lawa at nalunod.
Acts 4:28Nagtipon-tipon sila upang isagawa ang lahat na napagpasyahan ng inyong kamay at ng inyong kagustuhan na mangyari noon pang una.