The Bible Software
bible.softwareMicahMicah 1 › Micah 1:8

Micah 1:8

Sa kadahilanang ito, mananaghoy ako at tatangis; Pupunta akong nakapaa at nakahubad; Tatangis ako na gaya ng asong gubat at magdadalamhati na gaya ng mga kuwago.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Therefore I will wail and howl, I will go stripped and naked: I will make a wailing like the dragons, and mourning as the owls.

In Context

7Ang lahat ng kaniyang mga larawang inukit ay magkakadurog-durog at lahat ng kaloob sa kaniya ay masusunog. Ang lahat ng kaniyang mga diyus-diyosan ay aking wawasakin. Sapagkat sa mga kaloob sa kaniyang prostitusyon ay tinipon niya ang mga ito at babalik ang mga ito bilang kabayaran sa babaeng nagbebenta ng aliw.”

9Sapagkat walang lunas ang kaniyang mga sugat, sapagkat dumating sila sa Juda. Narating nila ang tarangkahan ng aking mga tao sa Jerusalem.

Read all of Micah 1

Cross References

Esther 4:1Nang malaman ni Mordecai ang lahat ng ginawa, pinunit niya ang kanyang mga damit at isinuot ang telang magaspang at mga abo. Lumabas siya sa gitna ng siyudad, at umiyak ng isang malakas at mapait na iyak.

Psalms 102:6Tulad ako ng isang pelikano sa kaparangan; ako ay naging tulad ng isang kwago sa wasak na lugar.

Isaiah 16:9Tunay nga na iiyak ako kasama ng Jazer dahil sa taniman ng ubas ng Sibma. Tutubigan kita ng aking luha, Hesbon, at Eleale. Dahil sa iyong taniman ng mga prutas at tinapos ko ang aking pag-ani nang may sigaw ng kagalakan.

Isaiah 21:3Kaya napupuno ng kirot ang aking laman; kirot na gaya ng kirot ng babaeng nanganganak ang nanaig sa akin; napaluhod ako sa aking narinig; nabagabag ako sa aking nakita.

Jeremiah 4:19Aking puso! Aking puso! Nagdadalamhati ang aking puso. Gulung-gulo ang aking puso. Hindi ako matahimik sapagkat naririnig ko ang tunog ng tambuli, isang hudyat ng labanan.

Jeremiah 9:10Aawit ako ng mga awiting panluksa at panaghoy para sa mga kabundukan, at isang awit na panlibing ang aawitin para sa kaparangan. Sapagkat nasunog ang mga ito kaya walang sinuman ang makadadaan dito. Hindi sila makaririnig ng anumang huni ng baka. Nagsilayo lahat ang mga hayop at ang mga ibon sa kalangitan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Micah 1:8

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Micah 1:7Micah 1Micah 1:9 →