Micah 2:11
Kung may sinumang pupunta sa inyo sa espiritu ng kabulaanan at kasinungalingan at sasabihin, “magpapahayag ako sa inyo ng propesiya tungkol sa alak at matapang na inumin,” ituturing siyang isang propeta para sa mga taong ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 22:6Pagkatapos pinagtipon-tipon ng hari ng Israel ang mga propeta, na apat na daang mga lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba akong pumunta sa Ramot Galaad para makipaglaban, o hindi dapat?” Sinabi nila, “Lumusob tayo, dahil ilalagay ito ng Panginoon sa kamay ng hari.”
2 Chronicles 18:19Sinabi ni Yahweh, “Sino ang mag-uudyok kay Ahab na hari ng Israel upang siya ay pumunta at bumagsak sa Ramot-gilead?' At sumagot ang isa sa ganitong paraan, at ang isa pa ay sumagot sa ganoong paraan.
Isaiah 30:10Sinasabi nila sa mga manghuhula, “Huwag kayong manghula”, at sa mga propeta, “Huwag kayong magpahayag sa amin ng tuwirang katotohanan; magsabi kayo sa amin ng mga bagay na magandang pakinggan; magpahayag ng mga panlilinlang;
Jeremiah 6:13Sapagkat mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa sa kanila ay makasarili para sa hindi tapat na kapakinabangan. Mula sa propeta hanggang sa pari, ang bawat isa sa kanila ay nandaraya.
Jeremiah 14:14Sinabi sa akin ni Yahweh, “Panlilinlang sa aking pangalan ang pahayag ng mga propeta. Hindi ko sila isinugo, ni binigyan ng anumang utos o kinausap sila. Ngunit ang mapanlinlang nilang mga pangitain, ang walang kabuluhan at ang mga mapanlinlang na hula ay nagmumula sa kanilang mga sariling puso, ito ang mga ipinahahayag nila sa inyo.”
Jeremiah 23:17Patuloy nilang sinasabi sa mga taong hindi nagpaparangal sa akin, 'Ipinapahayag ni Yahweh na magkakaroon ng kapayapaan para sa inyo.' At ang bawat isa na lumalakad sa katigasan ng kanilang puso ay sinasabing, 'Ang sakuna ay hindi darating sa inyo.'