Micah 3:12
Kaya, dahil sa inyo, aararuhin ang Sion tulad ng isang bukid, ang Jerusalem ay magiging isang bunton ng mga guho at magiging masukal na burol ang burol ng templo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 79:1O Diyos, ang mga dayuhang bansa ay dumating sa iyong pamana; dinungisan nila ang iyong banal na templo; ginawa nilang isang bunton ng pagkawasak ang Jerusalem.
Isaiah 2:2Sa mga huling araw, ang bundok ng tahanan ni Yahweh ay itataguyod bilang pinakamataas sa mga bundok, at itataas sa tuktok ng mga burol; at dadaloy ang lahat ng bansa mula dito.
Jeremiah 9:10Aawit ako ng mga awiting panluksa at panaghoy para sa mga kabundukan, at isang awit na panlibing ang aawitin para sa kaparangan. Sapagkat nasunog ang mga ito kaya walang sinuman ang makadadaan dito. Hindi sila makaririnig ng anumang huni ng baka. Nagsilayo lahat ang mga hayop at ang mga ibon sa kalangitan.
Jeremiah 26:18Sinabi nila, “Si Mikas na isang Morastita ay nagpahayag sa mga panahon ni Hezekias, na hari ng Juda. Nagsalita siya sa lahat ng taga-Juda at sinabi, “Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: Magiging gaya ng isang parang na binubungkal ang Zion, magiging isang bunton ng mga durog na bato ang Jerusalem at magiging isang masukal na burol ang bundok na kinatatayuan ng templo.'
Micah 4:1Ngunit sa mga huling araw, mangyayari na ang bundok na kinatatayuan ng tahanan ni Yahweh ay itatatag sa ibabaw ng iba pang mga bundok. Ito ay dadakilain nang higit sa mga burol, at magpupuntahan ang mga tao rito.
Acts 6:13Nagdala sila ng mga bulaang saksi, na nagsabi, “Hindi tumitigil ang lalaking ito sa pagbigkas sa mga salitang laban sa banal na dakong ito at sa kautusan.