Micah 4:13
Sinabi ni Yahweh, “Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion, sapagkat gagawin kong bakal ang iyong sungay at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko. Dudurugin mo ang maraming tao. Itatalaga ko ang kanilang mga kayamanan na kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan at ang kanilang mga ari-arian sa akin, ako si Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 33:25Nawa'y ang rehas ng iyong lungsod ay maging bakal at tanso; hangga't kayo ay nabubuhay, ganun din kahaba ang iyong magiging kaligtasan.
2 Samuel 8:10pinadala ni Toi ang kaniyang anak na lalaki na si Hadoram kay Haring David para batiin at purihin siya, dahil nakipaglaban si David kay Hadadezer at tinalo niya ito, at dahil nakipagdigmaan si Hadadezer laban kay Toi. Kasamang daladala ni Hadoram ang pilak, ginto at tanso.
Psalms 24:1Ang buong lupain ay kay Yahweh, ang daigdig at ang lahat ng naninirahan dito.
Psalms 72:10Magbigay nawa ng handog ang mga mga hari ng Tarsis at ng mga isla; mag-alay nawa ng mga handog ang mga hari ng Sheba at Seba.
Isaiah 18:7Sa panahon na iyon, dadalhin kay Yahweh ng mga hukbo ang mga parangal na mula sa mga taong matatangkad at makikinis, mula sa mga taong kinakatakutan ng lahat, isang bansang makapangyarihan at manlulupig, sa nagmamay-ari ng lupaing humahati ng mga ilog, sa kinaroroonan ng pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, sa Bundok Sion.
Isaiah 41:15Tingnan, ginagawa ko kayong katulad ng isang matalas na karetang panggiik; bago at dalawang talim; inyong gigiikin ang mga kabundukan at dudurugin sila; ang mga burol ay gagawin mong tulad ng ipa.