Micah 4:3
Hahatulan niya ang karamihan sa mga tao at magpapasiya tungkol sa maraming bansa na malalayo. Papandayin nila ang kanilang mga espada upang maging mga talim ng araro at ang kanilang mga sibat upang maging mga kutsilyong pamutol. Ang bansa ay hindi na magtataas ng espada laban sa bansa, ni kailanman matututunan kung paano magsimula ng digmaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 2:5Pagkatapos, kakausapin niya sila sa kaniyang galit at tatakutin sila sa kaniyang poot, sinasabing,
Psalms 46:10Tumahimik kayo at kilalanin ninyo na ako ay Diyos; itatanghal ako sa ginta ng mga bansa; itatanghal ako sa mundo.
Psalms 72:7Umunlad nawa ang matuwid sa kaniyang mga araw at magkaroon nawa ng kasaganahan ng kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan.
Psalms 96:13sa harapan ni Yahweh, dahil siya ay darating. Siya ay darating para hatulan ang daigdig batay sa katuwiran at ang mga tao batay sa kanyang katapatan.
Psalms 110:1Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.”
Isaiah 2:4Hahatulan niya ang mga bansa at magbababa siya ng mga desisyon para sa mga tao; papandayin nila ang mga espada nila para gawing pang-araro at ang mga sibat nila para gawing tabak; hindi na huhugot ng espada ang isang bansa laban sa isang bansa o magsasanay pa para sa digmaan.