Micah 4:9
Ngayon, bakit ka umiiyak nang malakas? Wala na ba sa iyo ang hari, namatay na ba ang iyong tagapayo, sumapit sa iyo ang matinding kirot katulad ng babaeng manganganak?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 3:1Masdan ninyo, aalisin ng Panginoon, si Yahweh ng mga hukbo, ang mga tauhan at kawani ng Juda at Jerusalem; ang lahat ng pinagkukunan ng tinapay, at ang lahat ng pinagkukunan ng tubig;
Isaiah 21:3Kaya napupuno ng kirot ang aking laman; kirot na gaya ng kirot ng babaeng nanganganak ang nanaig sa akin; napaluhod ako sa aking narinig; nabagabag ako sa aking nakita.
Jeremiah 4:21Gaano katagal kong makikita ang pamantayan? Maririnig ko ba ang tunog ng tambuli?
Jeremiah 8:19Pakinggan ninyo! Ang hiyaw ng anak na babae ng aking mga tao mula sa malayong lupain! Hindi ba nasa Zion si Yahweh? O hindi ba nasa kaniya ang kaniyang hari? Bakit kaya nila sinasaktan ang aking damdamin sa pamamagitan ng kanilang mga inukit na imahen at mga walang kabuluhang diyus-diyosan ng mga dayuhan?
Jeremiah 30:6Magtanong at tingnan, kung magsisilang ng isang sanggol ang isang lalaki. Bakit nakikita ko ang bawat batang lalaki na nasa kanilang puson ang kanilang mga kamay? Gaya ng isang babaeng nagsisilang ng isang sanggol, bakit namumutla ang lahat ng kanilang mga mukha?
Jeremiah 30:10Kaya ikaw Jacob na aking lingkod, huwag kang matakot at huwag kang panghinaan ng loob, Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat tingnan ninyo, ibabalik ko na kayo sa malayo at ang inyong mga kaapu-apuhan sa lupain ng pagkabihag. Babalik si Jacob at magiging mapayapa at magiging ligtas siya at wala ng katatakutan kailanman