Micah 5:13
Sisirain ko ang mga imahen na inukit ng inyong mga kamay at ang mga batong haligi na kasama ninyo. Hindi na kayo kailanman sasamba sa mga ginawa ng inyong mga kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Bubunutin ko ang haligi ni Ashera na kasama ninyo at wawasakin ko ang inyong mga lungsod.
Cross References
Isaiah 2:8Puno rin ng diyus-diyosan ang lupain nila; sinasamba nila ang mga inukit ng sarili nilang mga kamay, mga bagay na hinulma ng mga daliri nila.
Isaiah 27:9Sa ganitong paraan, ang matinding kasalanan ni Jacob ay mapapawalang sala, dahil ito ang magiging buong bunga sa pagtalikod niya sa kaniyang kasalanan: Gagawin niyang tisa at ginawang pulbos ang lahat ng altar na bato at walang mga poste ni Asera o mga altar ng insenso ang mananatiling nakatayo.
Ezekiel 16:41At susunugin nila ang iyong mga bahay at gagawa sila ng maraming pagpaparusa sa iyo sa harap ng maraming mga babae, sapagkat patitigilin ko na ang iyong pagbebenta ng aliw at hindi ka na muling magbabayad ng kahit sino pa sa kanila!
Ezekiel 37:23At hindi na nila kailanman dudungisan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga diyus-diyosan, sa kanilang mga kasuklam-suklam na mga bagay o anuman sa iba pa nilang mga kasalanan. Sapagkat ililigtas ko sila mula sa lahat ng kanilang mga gawaing walang pananamplataya kung saan sila ay nagkasala, at lilinisin ko sila, upang sila ay maging aking mga tao at ako ang kanilang magiging Diyos.
Hosea 14:3Hindi kami ililigtas ng Asiria; hindi kami sasakay sa mga kabayo sa digmaan. Ni magsasabi ng anupaman sa gawa ng aming mga kamay, 'Kayo ang aming mga diyos,' sapagkat sa iyo nakatagpo ng habag ang mga taong ulila.”
Zechariah 13:2At mangyayari ito sa araw na iyon, “—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—”na tatanggalin ko ang mga pangalan ng mga diyus-diyosan mula sa lupain upang hindi na sila maalala kailanman. Palalabasin ko rin sa lupain ang mga bulaang propeta at ang kanilang maruming espiritu.