Mikas 6:12
Puno ng karahasan ang mga mayayaman, ang naninirahan sa kaniya ay nagsasalita ng kasinungalingan at mapanlinlang ang kanilang mga dila sa kanilang mga bibig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 120:2Iligtas mo ang aking buhay, O Yahweh, mula sa mga sinungaling na labi at mula sa mandarayang dila.
Isaiah 3:8Sapagkat wasak na ang Jerusalem, at bumagsak ang Juda, dahil ang mga sinasabi nila at ang mga ginagawa nila ay laban kay Yahweh, pagsuway sa marangal niyang kapangyarihan.
Isaiah 59:3Dahil ang inyong mga kamay ay narumihan ng dugo at ang inyong mga daliri ng kasalanan. Ang inyong mga labi ay nagsasalita ng mga kasinungalingan at ang inyong dila ay nagsasalita ng may malisya.
Jeremiah 5:26Sapagkat ang mga masasamang kalalakihan ay matatagpuan sa aking mga tao. Nagbabantay sila gaya ng taong nakahandang manghuli ng mga ibon, naglalagay sila ng bitag at nanghuhuli ng mga tao.
Jeremiah 9:2Kung may makapagbibigay lamang sa akin ng isang lugar sa ilang na para sa mga manlalakbay upang panirahan, na aking mapupuntahan upang talikuran ang aking bayan. Kung maaari ko lamang silang iwanan, yamang mga nakikiapid silang lahat, isang pangkat ng mga taksil!
Ezekiel 22:6Masdan! ang mga pinuno ng Israel, bawat isa sa kaniyang kapangyarihan ay pumunta sa iyo upang magpadanak ng dugo!