Micah 6:16
Ang mga kautusan na ginawa ni Omri ay sinunod, at lahat ng mga gawa ng sambahayan ni Ahab. Lumakad kayo sa pamamagitan ng kanilang payo. Kaya gagawin ko kayo na isang sirang lungsod at isang mangungutya ang mga naninirahan sa inyo at magdadala kayo ng kahihiyan bilang aking mga tao.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 9:8At kahit na ang templong ito ay napakatayog ngayon, bawat isang mapapadaan dito ay mangingilabot at susutsot. Sasabihin nila, “ Bakit nagawa ni Yahweh ang ganito sa lupain at sa templong ito?
1 Kings 18:4dahil nang ipinapapatay ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, sinama ni Obadias ang isandaang propeta at itinago niya sila ng tig limampo sa isang kuweba, at pinakain niya sila ng tinapay at tubig.
2 Kings 16:3Sa halip, nilakaran niya ang landas ng mga hari ng Israel; sa katunayan, sinunog niya ang kaniyang anak bilang isang handog na sinusunog, ayon sa nakasusuklam na mga kaugalian ng mga bansa, na itinaboy ni Yahweh sa harapan ng mamamayan ng Israel.
2 Chronicles 22:4Ginawa ni Ahazias ang mga masasamang bagay sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga ginagawa ng sambahayan ni Ahab dahil sila ang kaniyang mga naging tagapayo matapos mamatay ang kaniyang ama, sa kaniyang pagkawasak.
2 Chronicles 34:25Dahil tinalikuran nila ako at nagsunog sila ng insenso sa ibang mga diyos, upang galitin ako sa lahat ng kanilang mga ginawa—kung gayon ibubuhos ko ang aking galit sa lugar na ito, at hindi ito mapapawi.”'
Psalms 44:13Ginagawa mo kaming katawa-tawa sa aming mga kapwa, hinamak at kinutya kami ng mga taong nakapaligid sa amin.