Nahum 1:14
At nagbigay si Yahweh ng isang utos tungkol sa iyo, Ninive: “Wala nang kaapu-apuhan ang magdadala ng iyong pangalan. Aking ihihiwalay ang inukit na mga larawan at ang minoldeng mga larawang gawa sa metal mula sa mga tahanan ng iyong mga diyos. Huhukayin ko ang iyong mga libingan, sapagkat napakasama mo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:12Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh.
1 Samuel 3:13Sinabi ko na sa kanya na hahatulan ko ang kanyang sambahayan minsan para sa lahat ng kasalanang kanyang nalaman, dahil nagdala ng sumpa sa kanilang sarili ang kanyang mga anak na lalaki at hindi niya sila pinigilan.
2 Chronicles 32:21Nagsugo si Yahweh ng isang anghel, na pumatay sa mga mandirigma, sa mga pinuno ng kawal, at sa mga pinuno ng hari sa kampo. Kaya kahiya-hiyang bumalik si haring Senaquerib sa kaniyang sariling lupain. Nang pumunta siya sa tahanan ng kaniyang diyos, pinatay siya ng ilan sa kaniyang sariling anak gamit ang espada.
Psalms 109:13Nawa ang kaniyang mga anak ay mawala; nawa ang kanilang mga pangalan ay mabura sa susunod na salinlahi.
Isaiah 14:20Gaya ng isang bangkay na tinapon sa ilalim, hindi ka makakasama sa kanila sa libingan, dahil winasak mo ang iyong lupain. Ikaw na pumatay sa iyong kababayan ay anak ng mga gumagawa ng masama at hindi na muling babanggitin kailanman.”
Isaiah 33:13Kayo na nasa malayo, pakinggan ninyo kung ano ang aking nagawa; at, kayo na nasa malapit, kilalanin ninyo ang aking kakayahan.”