Nahum 2:13
“Masdan mo, ako ay laban sa iyo”, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. “Susunugin ko ang iyong mga karwahe sa usok at lalamunin ng espada ang iyong mga batang leon. Ihihiwalay ko ang iyong mga sinamsam mula sa iyong lupain at hindi na maririnig ang mga tinig ng iyong mga mensahero.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 11:9Ginawa ni Josue sa kanila gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh. Pinilayan niya ang mga kabayo at sinunog ang mga karwahe.
2 Kings 18:19Kaya sinabi sa kanila ng punong tagapag-utos na sabihin kay Hezekias kung ano ang sinabi ng dakilang hari, ang hari ng Asiria: “Ano ang pinanggagalingan ng iyong kapanatagan?
2 Kings 19:9Pagkatapos narinig ni Senaquerib na kumilos si Tirhaka ang hari ng Etiopia at ang Ehipto para kalabanin siya, kaya muli siyang nagpadala ng mensahero kay Hezekias na may mensaheng:
2 Chronicles 32:9Pagkatapos nito, si Sinaquerib, na hari ng Asiria ay nagpadala ng kaniyang mga lingkod sa Jerusalem (ngayon siya ay nasa harap na ng Laquis at ang lahat ng kaniyang mga kawal ay kasama niya), para kay Ezequias, na hari ng Juda, at sa lahat ng taga-Juda na nasa Jerusalem. Sinabi niya,
Psalms 46:9Pinahihinto niya ang mga digmaan sa dulo ng mundo; binali niya ang mga pana at ang mga sibat ay pinagpira-piraso; ang mga panangga ay kaniyang sinunog.
Isaiah 33:1Kayo ay kaawa-awa, kayong mga tagawasak na hindi pa nawawasak! Kaawa-awa kayong mga taksil na hindi pinagtaksilan! Kapag itinigil ninyo ang pangwawasak, kayo ay mawawasak. Kapag itinigil ninyo ang pagtataksil, sila ay magtataksil sa inyo.