Nehemias 1:10
Ngayon sila ang iyong mga lingkod at iyong bayan, na iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng iyong makapangyarihang kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:1Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ngayon makikita mo kung ano ang gagawin ko kay Paraon. Makikita mo ito, dahil hahayaan niya na sila ay umalis dahil sa aking malakas na kamay. Dahil sa kamay kong makapangyarihan, sila ay kaniyang palalayasin sa kaniyang lupain.”
Exodus 13:3Sinabi ni Moises sa mga tao, “Alalahanin ninyo ang araw na ito, ang araw kung saan kayo nakalabas mula sa Ehipto, nakalabas mula sa bahay ng pagkakaalipin, dahil nakalabas kayo mula sa lugar na ito sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh. Walang tinapay na may halong lebadura ang kakainin.
Exodus 13:14Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, “Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin.
Exodus 15:13Sa iyong katapatan sa tipan pinangunahan mo ang mga tao na iyong sinagip. Sa iyong kalakasan sila ay iyong pinangunahan patungo sa banal na lugar kung saan ka naninirahan.
Deuteronomy 9:29Gayun pa man sila ay iyong mga tao at iyong pamana, na dinala mo palabas sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong kapangyarihan.'
Psalms 74:2Alalahanin mo ang iyong bayan, na iyong tinubos noong sinaunang panahon, na iyong binili para maging sarili mong pamana, at sa Bundok ng Sion, kung saan ka nananahan.