Nehemias 10:28
At sa mga natitirang mga tao, na mga pari, Levita, mga tagapagbantay ng tarangkahan, mga mang-aawit, mga tagapaglingkod sa templo, at lahat ng binukod ang kanilang mga sarili mula sa mga tao ng mga kalapit-bayan at ipinangako ang kanilang mga sarili sa batas ng Diyos, kasama ang kanilang mga asawa, mga anak na lalaki at babae, lahat ng mayroong kaalaman at pang-unawa,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 20:24Sinabi ko sa inyo, “Mamanahin ninyo ang kanilang lupain; ibibigay ko ito sa inyo para angkinin, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang naghiwalay sa inyo mula sa ibang mga tao.
Ezra 2:70Kaya ang mga pari at mga Levita, ang mga tao, ang mga mang-aawit at mga bantay-pinto ng templo at ang mga inatasang maglingkod sa templo ay nanirahan sa kanilang mga lungsod. Lahat ng tao sa Israel ay nasa kanilang mga lungsod.
Ezra 10:11Ngunit ngayon purihin si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, at gawin ang kaniyang kaloooban. Humiwalay kayo sa mga tao sa lupain at mula sa mga dayuhang babae.
Nehemiah 8:2Sa unang araw ng ika-pitong buwan, si Ezra, ang pari ay dinala ang batas sa harap ng pagpupulong, sa kapwa mga lalaki at babae, at sa lahat ng nakakarinig at nakakaunawa.
Nehemiah 13:3Nang narinig nila ang Batas, pinaalis nila mula sa Israel ang bawat dayuhan.
Ecclesiastes 5:2Huwag agad-agad magsasalita ang inyong bibig, at huwag hayaan ang inyong puso ay agad-agad maghain ng anumang bagay sa harapan ng Diyos. Ang Diyos ay nasa langit, ngunit ikaw ay nasa ibabaw ng mundo, kaya hayaang kakaunti ang iyong mga salita.