Nehemias 10:34
At ang mga pari, ang mga Levita, at ang mga tao ay nagpalabunutan para sa handog na kahoy. Ang palabunutan ay pipili kung sino sa mga pamilya ang magdadala ng kahoy sa tahanan ng ating Diyos sa mga itinalagang panahon bawat taon. Ang kahoy ay susunugin sa altar ni Yahweh na ating Diyos, katulad ng nasusulat sa batas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 24:5Dapat kang kumuha ng pinong harina at magluluto ng labindalawang tinapay dito. Dapat na maging dalawang ikasampung ephah sa bawat tinapay.
Numbers 28:2“Utusan mo ang mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Dapat ninyong ialay ang inyong mga handog sa akin sa mga itinakdang panahon, ang pagkain ng aking mga handog na ipinaraan sa apoy upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para sa akin.'
1 Chronicles 24:5Sila ay hinati ng walang pinapanigan sa pamamagitan ng bunutan sapagkat naroon ang mga itinalagang tagapangasiwa at mga tagapanguna ng Diyos mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar at mga kaapu-apuhan ni Itamar.
1 Chronicles 25:8Sila ay nagsapalaran para sa kanilang mga tungkulin, pantay-pantay ang lahat, ang nakababata maging ang matatanda, ang guro maging ang mag-aaral.
Ezra 3:5Bilang karagdagan, mayroon ding arawan at buwanang mga handog na susunugin, at mga handog para sa lahat ng nakatalagang mga pista ni Yahweh, kasama sa lahat ng mga kusang-kaloob na handog.
Nehemiah 13:31Naglaan ako para sa handog ng mga kahoy sa itinakdang mga oras at para sa mga unang bunga. Alalahanin niyo ako, aking Diyos, magpakailanman.