Nehemias 12:47
Sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias, lahat ng mga Israelita ay nagbigay ng kanilang pang-araw-araw na mga bahagi para sa mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan. Itinabi nila ang bahagi na para sa mga Levita, at ang mga Levita ay itinabi ang bahagi para sa mga kaapu-apuhan ni Aaron.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 18:21Sa mga kaapu-apuhan ni Levi, tingnan mo, ibinigay ko ang lahat ng mga ikapu bilang kanilang mana kapalit ng kanilang paninilbihan na kanilang ibinibigay sa pagtatrabaho sa tolda ng pagpupulong.
2 Chronicles 31:5Nang mailabas ang kautusan, nagbigay agad ng masagana ang mga Israelita ng unang bunga ng butil, bagong alak, langis, pulot, at lahat ng mula sa kanilang inani sa mga bukirin; at masagana rin nilang dinala ang ikasampung bahagi ng lahat ng bagay.
Nehemiah 10:35Pinangako namin na magdadala sa tahanan ni Yahweh ng mga unang bunga na tumubo sa aming lupain, at ng unang bunga ng bawat puno sa bawat taon.
Nehemiah 11:23Sila ay nasa ilalim ng mga kautusan ng hari at mahigpit na kautusan ang ibinibigay sa mga mag-aawit na araw-araw kailangang gawin.
Nehemiah 12:12Sa mga araw ni Jehoiakim ito ang mga pari, ang mga pinuno ng mga ama ng mga pamilya: Si Meraias ang pinuno ni Seraias, si Hananias ang pinuno ni Jeremias,
Nehemiah 13:10At nalaman ko na ang mga bahaging nakatakda para sa mga Levita ay hindi naibigay sa kanila, kaya naman mabilis nilang nilisan ang templo, ang bawat isa sa kani-kaniyang bukid, tulad din ng ginawa ng mga mang-aawit.