Nehemiah 13:11
Kaya hinarap ko ang mga opisyales at sinabi, “Bakit napabayaan ang bahay ng Diyos?” Tinipon ko sila at inilagay sila sa kanilang mga puwesto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Pagkatapos, dinala ng buong Juda ang ikapu ng butil, ng bagong alak, at ng langis sa mga imbakan.
Cross References
1 Samuel 2:17Ang kasalanan ng mga binatang ito ay napakalaki sa harapan ni Yahweh, sapagka't inalipusta nila ang handog ni Yahweh.
Nehemiah 10:39Dahil ang bayan ng Israel at ang mga kaapu-apuhan ni Levi ay magdadala ng ambag na butil, bagong alak, at langis sa mga imbakan kung saan nilalagay ang mga kagamitan ng santuwaryo at kung saan nananatili ang mga pari na naglilingkod, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan, at ang mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang tahanan ng ating Diyos.
Nehemiah 13:25Kaya hinarap ko sila, at isinumpa, at sinaktan ko ang iba sa kanila at sinabunutan ko sila. Pinasumpa ko sila sa Diyos, na nagsasabing, “Hindi niyo dapat ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki, o kunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, o para sa inyong mga sarili.
Proverbs 28:4Sila na mga tumalikod sa batas ay pinupuri ang masamang tao, ngunit silang nagpapanatili ng batas ay lumalaban sa kanila.