Nehemias 2:6
Tumugon ang hari sa akin (at ang reyna ay nakaupo rin sa tabi niya), “Gaano katagal kang mawawala at kailan ka babalik?” Ang hari ay nagalak na isugo ako matapos kong maibigay sa kaniya ang mga petsa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 1:11Yahweh, ako ay nakikiusap sa iyo, pakinggan mo ngayon ang panalangin ng iyong lingkod at ang panalangin ng iyong mga lingkod na nasisiyahang parangalan ang iyong pangalan. Ngayon bigyan mo ng katagumpayan ang iyong lingkod sa araw na ito, at ipagkaloob mo sa kaniya ang habag sa paningin ng taong ito.” Ako ay naglingkod bilang tagapagdala ng kopa ng hari.
Nehemiah 5:14Kaya mula ng pahanon na itinalaga ako bilang gobernador nila sa lupain ng Juda, mula sa ika-dalawampung taon hanggang sa ika-tatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes ang hari, labindalawang taon, hindi ako kumain, maging ang aking mga kapatid na lalaki, ng pagkain na inilaan para sa gobernador.
Isaiah 58:12Ang ilan sa inyo ay muling magtatayo ng mga sinaunang gusali na gumuho; itatayo ninyo ang mga gumuhong lungsod ng maraming mga salinlahi; tatawagin kayong “Ang tagakumpuni ng pader,” “Ang tagapanumbalik ng mga lansangan para matirahan.”
Isaiah 65:24Bago pa sila manalangin, tutugunin ko na; at habang nagsasalita pa lang sila, diringgin ko na.