Nehemiah 4:2
Sa harapan ng kaniyang mga kapatid at ng hukbo ng Samaria, sinabi niya, “Ano ang ginagawa ng mga mahihinang Judiong ito? Nais ba nilang maibalik sa dating kalagayan ang lungsod para sa kanila? Sila ba ay maghahandog ng mga alay? Matatapos ba nila ang trabaho sa isang araw? Nais ba nilang buhayin ang mga bato mula sa mga tumpok ng durog na bato pagkatapos itong masunog?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 14:11Kaya pareho nilang inilantad ang kanilang mga sarili sa kuta ng mga Filisteo. Sinabi ng mga Palestina, “Masdan ninyo, ang mga Hebreo ay lumalabas sa mga butas kung saan sila nagtatago.”
Ezra 4:4Kaya pinahina ng mga tao sa lupain ang mga kamay ng mga taga-Judea; tinakot nila ang mga taga-Judea sa pagtatayo.
Nehemiah 4:10Pagkatapos sinabi ng mamamayan ng Juda, “Ang lakas nilang mga umako ng trabaho ay nanghihina. Napakarami ng durog na bato, at hindi na namin kayang itayong muli ang pader.”
Nehemiah 12:43At naghandog sila ng maraming mga alay ng araw na iyon, at nagsaya, dahil dinulot ng Diyos na sila ay magdiwang ng may labis na kagalakan. Ang mga babae rin at mga bata ay nagsaya. Kaya ang kagalakan ng Jerusalem ay maririnig mula sa malayo.
Ezekiel 37:3Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, mabubuhay pa bang muli ang mga butong ito?” Kaya sinabi ko, “Panginoong Yahweh, ikaw lamang ang nakakaalam!”
Habakkuk 3:2Yahweh, narinig ko ang iyong ulat, at ako ay natakot! Yahweh, buhayin mo muli ang iyong gawain sa gitna ng mga panahong ito; sa gitna ng mga panahong ito ipaalam mo; alalahanin mo na magkaroon ng habag sa iyong galit!