Nehemias 5:8
at sinabi sa kanila, “Tayo, hangga't makakaya natin, ay muling binili mula sa pagkaalipin ang ating mga kapatid na Judio na naipagbili sa mga bansa, pero kayo ipinagbibili pa ninyo ang inyong mga kapatid na lalaki at babae para muling maipagbili sa amin!” Tahimik sila at ni minsan ay walang masabi ni isang salita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 25:47Kung isang dayuhan o isang taong pansamantalang naninirahan kasama ninyo ang naging mayaman, at kung isa sa mga kapwa ninyo Israelita ang naging mahirap at ipagbili ang kanyang sarili sa dayuhang iyon, o sa isang tao sa pamilya ng isang dayuhan,
Deuteronomy 24:7Kung ang isang tao ay natagpuang dinudukot ang sinuman sa kaniyang mga kapatid mula sa bayan ng Israel at pinakitunguhan niya bilang isang alipin at binenta siya, ang magnanakaw na iyon ay dapat mamatay; at alisin ninyo ang kasamaan sa inyo.
Job 32:15Hindi makaimik ang tatlong mga lalaking ito; hindi na nila masagot si Job; ni isang salita ay wala na silang masabi.
Matthew 25:15Ang isa sa kanila ay binigyan niya ng limang talento, ang isa naman ay binigyan niya ng dalawa at ang isa naman ay binigyan niya ng isang talento. Nakatanggap ang bawat isa ayon sa kaniya-kaniyang kakayahan, at ang taong iyon ay pumunta sa kaniyang paglalakbay.
Romans 3:19Ngayon ay nalalaman natin na anuman ang sinasabi ng batas, ito ay sinasabi sa mga taong nasa ilalim ng batas. Ito ay upang matikom ang bawat bibig at upang ang lahat ng nasa sanlibutan ay may pananagutan sa Diyos.
1 Corinthians 8:11Kaya dahil sa iyong pang-unawa tungkol sa totoong kalikasan ng mga diyus-diyosan, ang mga mahihinang kapatid na siyang dahilan kung bakit namatay si Cristo ay napupuksa.