Nehemias 6:2
nagpadala sina Sanbalat at Gesem sa akin na sinasabing, “Halika, sama-sama tayong magpulong kahit saan sa kapatagan ng Ono.” Pero binalak nila na gawan ako ng masama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 20:9Kaya sinabi ni Joab kay Amasa, “Mabuti ba ang lagay mo, aking pinsan?” Magiliw ni Joab na kinuha ang balbas ni Amasa ng kaniyang kanang kamay para halikan siya.
Nehemiah 3:22Kasunod niya ang mga pari, ang mga kalalakihan mula sa lugar sa palibot ng Jerusalem ang nag-ayos.
Psalms 12:2Ang lahat ay nagsasabi ng walang kabuluhang mga salita sa kaniyang kapwa; ang lahat ay nagsasalita ng hindi matapat na papuri at may salawahang puso.
Psalms 37:32Binabantayan ng masamang tao ang matuwid at binabalak siyang patayin.
Proverbs 26:25Magiliw siyang mangungusap, pero huwag siyang paniwalaan, dahil may pitong mga pagkasuklam sa kaniyang puso.
Jeremiah 41:2Ngunit si Ismael na anak ni Netanias at ang sampung mga lalaki na kasama niya ay tumayo at sinalakay si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Safan gamit ang espada. Pinatay ni Ismael si Gedalias na itinakda ng hari ng Babilonia na mangasiwa sa lupain.