Nehemias 7:70
Ang ilan sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ay nagbigay ng mga kaloob para sa gawain. Ang gobernador ay nagbigay sa pananalapi ng isang libong daric ng ginto, 50 mga mangkok, at 530 mga kasuotang pang-pari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
69ang kanilang mga kamelyo, 435, at ang kanilang mga asno, 6, 720.
Cross References
Exodus 12:22Pagkatapos kumuha ng isang bigkis ng hisopo at isawsaw sa dugo na nasa isang palanggana. Ipahid ang dugo na nasa palanggana sa itaas ng balangkas ng pinto sa dalawang magkabilang poste. Wala sa inyo ni isa ang lalabas ng pintuan ng kaniyang tahanan hanggang sa umaga.
Numbers 7:2Sa araw na iyon, nag-alay ng mga handog ang mga pinuno ng Israel, ang mga pangulo ng mga pamilya ng kanilang ninuno. Ang mga taong ito ang nangunguna sa mga tribu. Pinamahalaan nila ang pagbibilang ng mga kalalakihan sa sensus.
1 Chronicles 28:17Ibinigay niya ang timbang ng purong ginto para sa mga panusok ng karne, mga palanggana, at mga tasa. Ibinigay niya ang timbang para sa bawat gintong mangkok, at ang timbang ng bawat pilak na mangkok.
2 Chronicles 4:8Gumawa siya ng sampung mesa at inilagay sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa. Gumawa siya ng sandaang palangganang ginto.
Ezra 2:68Nang pumunta sila sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, ang mga punong matatanda ay naghandog ng mga kusang-loob na handog upang maipatayo ang tahanan ni Yahweh.
Nehemiah 8:9Sinabi nina Nehemias, ang gobernador, at si Ezra, ang pari at eskriba, at ang mga Levita na nagbibigay-kahulugan sa mga tao sa kanila, “Ang araw na ito ay banal kay Yahweh na inyong Diyos. Huwag kayong mamighati at umiyak.” Dahil ang lahat ng tao ay umiyak nang marinig nila ang mga salita ng batas.