Nehemias 8:10
Pagkatapos, sinabi ni Nehemias sa kanila, “Humayo na kayo, kainin ninyo ang taba at kumuha kayo ng matamis na maiinom, at ipadala ang ilan nito sa mga walang naihanda, dahil ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. Huwag kayong magdalamhati, dahil ang kagalakan ni Yahweh ang inyong lakas.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 26:11at dapat kayong magsaya sa lahat ng mabuting ginawa ni Yahwen na inyong Diyos para sa inyo, para sa inyong tahanan—kayo, at ang Levita, at ang dayuhang kasama ninyo.
1 Chronicles 16:27Ang kaluwalhatian at kamaharlikaan ay nasa kaniyang presensiya. Ang kalakasan at kagalakan ay nasa kaniyang lugar.
Esther 9:22Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.
Psalms 28:7Si Yahweh ang aking kalakasan at ang aking kalasag; ang puso ko ay nagtitiwala sa kaniya, at tinulungan ako. Kaya labis na nagagalak ang aking puso, at pupurihin ko siya nang may pag-awit.
Psalms 149:2Hayaang magdiwang ang Israel sa kaniya na ginawa silang isang bayan; magdiwang ang mga mamamayan ng Sion sa kanilang hari.
Ecclesiastes 2:24Walang mabuti sa isang tao maliban lamang sa kumain at uminom at masiyahan sa kung ano ang mabuti sa kaniyang ginagawa. Nakita ko na ang katotohanang ito ay nagmumula sa kamay ng Diyos.