The Bible Software
bible.software › Nehemias › Nehemias 8 › Nehemias 8:17

Nehemias 8:17

At lahat ng kapulungan ng mga bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol at tumira doon. Dahil simula noong mga araw ni Josue, anak na lalaki ni Nun, hanggang sa araw na iyon, ang bayan ng Israel ay hindi ipinagdiwang ang kapistahang ito. At ang kagalakan nila ay lubos-lubos.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And all the congregation of them that were come again out of the captivity made booths, and sat under the booths: for since the days of Jeshua the son of Nun unto that day had not the children of Israel done so. And there was very great gladness.

In Context

16Kaya ang mga tao ay pumunta at nagdala ng mga sanga pabalik at ginawan nila ang kanilang mga sarili ng kubol, bawat isa sa kanilang mga bubong, sa kanilang mga patyo, sa mga hukuman ng bahay ng Diyos, sa bukas na lugar sa Tarangkahan ng Tubig, at sa bukas na lugar sa Tarangkahan ng Efraim.

18Gayundin araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huli, si Ezra ay nagbasa mula sa Aklat ng Batas ng Diyos. Pinanatili nila ang kapistahan nang pitong araw at sa ikawalong araw ay isang taimtim na pagpupulong, bilang pagsunod sa kautusan.

Read all of Nehemias 8

Cross References

Deuteronomy 16:15Sa loob ng pitong araw dapat ninyong sundin ang Pista para kay Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh, dahil pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong ani at sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay, at dapat kayo ay lubusang masiyahan.

1 Chronicles 29:22Sa araw na iyon, kumain sila at uminom sa harapan ni Yahweh na may malaking pagdiriwang. Ginawa nilang hari sa ikalawang pagkakataon si Solomon, na anak ni David, at hinirang siya sa kapangyarihan ni Yahweh na maging pinuno. Hinirang din nila si Zadok na maging pari.

2 Chronicles 8:13Naghandog siya ng mga alay ayon sa kailangan sa bawat araw, inihandog niya ang mga ito na sinusunod ang mga alituntuning nakasaad sa kautusan ni Moises, sa mga Araw ng Pamamahinga, sa bawat paglabas ng bagong buwan, sa mga itinakdang kapistahan, tatlong beses sa bawat taon: ang pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, Pista ng mga Linggo at ang Pista ng mga Tolda.

2 Chronicles 30:23Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.

2 Chronicles 35:18Hindi pa nagkaroon ng ganitong pagdiriwang ng Paskwa mula sa panahon ng propetang si Samuel, at hindi ipinagdiwang ng kahit sino sa mga naging hari ng Israel ang Paskwa na gaya ng ginawa ni Josias, kasama ang mga pari, ang mga Levita, at lahat ng mga tao ng Juda at Israel na naroon at ang mga mamamayan ng Jerusalem.

John 1:14Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Nehemias 8:17

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Nehemias 8:16Nehemias 8Nehemias 8:18 →