Nehemias 8:3
Humarap siya sa liwasan sa harap ng Tarangkahan ng Tubig, at binasa niya ito mula umaga hanggang tanghali, sa harap ng mga lalaki at babae, at sinumang nakauunawa. At ang lahat ng tao ay nakinig nang masigasig sa Aklat ng Batas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 31:9Isinulat ni Moises ang kautusang ito at ibinigay ito sa mga pari, sa mga anak na lalaki ni Levi, na nagdala sa kaban ng tipan ni Yahweh; binigay din niya ang mga kopya nito sa lahat ng mga nakatatanda ng Israel.
Nehemiah 8:18Gayundin araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huli, si Ezra ay nagbasa mula sa Aklat ng Batas ng Diyos. Pinanatili nila ang kapistahan nang pitong araw at sa ikawalong araw ay isang taimtim na pagpupulong, bilang pagsunod sa kautusan.
Nehemiah 13:1Nang araw na iyon binasa nila ang Aklat ni Moises na naririnig ng mga tao. Natuklasan nila na nakasulat doon na walang Ammonita o Moabita ang dapat sumali sa kapulungan ng Diyos, magpakailanman.
Mark 12:37Mismong si David ay tinawag na Cristo ang 'Panginoon', kaya paano siya naging anak ni David?” Masayang nakinig sa kaniya ang napakaraming tao.
Luke 8:18Kaya mag-ingat kung paano kayo makinig, dahil kung sinuman ang mayroon, siya ay bibigyan pa ng mas marami, at kung sinuman ang wala ay kukunin kahit na ang inaakala niyang mayroon siya.”
Acts 13:15Nang matapos ang pagbabasa ng kautusan at ng mga propeta, nagbigay ang mga pinuno ng sinagoga ng mensahe sa kanila na sinasabi, “Mga kapatid, kung mayroon kayong mensahe ng pampalakas loob sa mga tao dito, sabihin ninyo ito.”