Nehemias 9:14
Pinaalam mo ang iyong Banal na Pamamahinga sa kanila, at binigyan mo sila ng mga kautusan at alituntunin at batas sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 2:3Pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at ginawang banal ito, dahil doon siya nagpahinga mula sa lahat ng gawain na kanyang nagawa sa kanyang paglikha.
Exodus 16:29Tingnan ninyo, Ako, si Yahweh ang nagbigay ng Araw ng Pamamahinga sa inyo. Kaya sa ikaanim na araw ay binibigyan ko kayo ng tinapay para sa dalawang araw. Bawat isa sa inyo ay dapat manatili sa kanyang sariling lugar; walang dapat lumabas mula sa kaniyang lugar sa ikapitong araw.”
Exodus 21:1“Ngayon ito ang mga kautusan na dapat mong igawad sa harapan nila:
Leviticus 19:3Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 4:5Tingnan ninyo, tinuro ko sa inyo ang mga batas at panuntunan, gaya ng iniutos ni Yahweh na aking Diyos, na dapat ninyong gawin sa kalagitnaan ng lupain kung saan kayo patungo para maangkin ninyo ito.
Deuteronomy 5:31Pero para sa iyo, tumayo ka dito sa aking tabi, at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng mga utos, ang mga batas, at ang mga panuntunan na ituturo mo sa kanila, para kanilang sundin ang mga ito sa lupain na ibibigay ko sa kanila para ariin.'