Nehemias 9:16
Pero sila at ang aming mga ninuno ay kumilos ng may kalapastanganan, at matigas ang ulo nila, at hindi nakinig sa iyong mga kautusan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 15:26Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.”
Deuteronomy 1:26Pero tumanggi parin kayong lumusob, pero nagrebelde laban sa mga utos ni Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 9:6Kaya alamin ninyo, na hindi nagbigay si Yahweh na inyong Diyos sa inyo nitong masaganang lupain para angkinin dahil sa inyong pagkamatuwid, sapagkat kayo'y suwail na sangkatauhan.
Deuteronomy 9:23Nang ipinadala kayo ni Yahweh mula sa Kades Barnea at sinabing, 'Humayo at angkinin ang lupain na ibinigay ko sa inyo,' pagkatapos naghimagsik kayo laban sa utos ni Yahweh na inyong Diyos, at hindi kayo naniwala o nakinig sa kaniyang boses.
Deuteronomy 31:27Dahil alam ko ang inyong mga paghihimagsik at inyong katigasan; tingnan ninyo, habang patuloy akong nabubuhay kasama ninyo kahit sa araw na ito, kayo ay naging mapanghimagsik laban kay Yahweh; paano pa pag ako ay patay na?
2 Kings 17:14Pero hindi sila nakikinig; sa halip sila ay nagmamatigas tulad ng kanilang mga ninuno na hindi nagtiwala kay Yahweh ang kanilang Diyos.