The Bible Software
bible.software › Nehemias › Nehemias 9 › Nehemias 9:24

Nehemias 9:24

Kaya ang mga tao ay pumunta doon at inangkin ang lupain, at sinakop mo bago pa man sila manirahan sa lupain, ang mga Cananeo. Binigay mo sila sa kanilang mga kamay, kasama ng kanilang mga hari at mga mamamayan ng lupain, para magawa ng Israel ang anumang naisin nila sa kanila.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

So the children went in and possessed the land, and thou subduedst before them the inhabitants of the land, the Canaanites, and gavest them into their hands, with their kings, and the people of the land, that they might do with them as they would.

In Context

23Ginawa mo ang kanilang mga anak na kasing dami ng bituin sa langit, at dinala mo sila sa lupain. Sinabi mo sa kanilang mga ninuno na pumunta at angkinin iyon.

25Nasakop nila ang mga matatatag na lungsod at masaganang lupain, at nasakop nila ang mga bahay na puno ng lahat ng mabubuting bagay, ang mga balon ay nahukay na, ang mga ubasan at halamanan ng olibo, at punong prutas ay nananagana. Kaya sila ay kumain, nabusog, nasiyahan, at labis na natuwa sa kanilang mga sarili dahil sa iyong dakilang kabutihan.

Read all of Nehemias 9

Cross References

Numbers 14:31Ngunit ang inyong mga maliliit na anak na sinasabi ninyong magiging mga biktima, dadalhin ko sila sa lupain. Mararanasan nila ang lupaing inyong tinanggihan!

Joshua 11:23Kaya binihag ni Josue ang buong lupain, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Moises. Ibinigay ni Josue ito bilang isang pamana ng Israel, itinalaga sa bawat lipi nila. Pagkatapos nagkaroon ng pahinga ang lupain mula sa mga digmaan.

Joshua 12:24at ang hari ng Tirsa. Ang kabuuang bilang ng mga hari ay tatlumpu't isa.

Joshua 21:43Kaya ibinigay ni Yahweh sa Israel ang lahat ng lupaing ipinangako niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno. Inangkin ito ng mga Israelita at nanirahan doon.

1 Chronicles 22:18“Si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo at binigyan kayo ng kapayapaan sa bawat panig. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng mga nakatira sa rehiyon. Nasakop ni Yahweh ang rehiyon at ang mga tao nito.

Psalms 44:2Pinalayas mo ang mga bansa gamit ang iyong kamay, pero itinanim mo ang aming bayan; pinahirapan mo ang mga tao, pero ikinalat mo ang aming bayan sa buong lupain.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Nehemias 9:24

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Nehemias 9:23Nehemias 9Nehemias 9:25 →