Nehemias 9:25
Nasakop nila ang mga matatatag na lungsod at masaganang lupain, at nasakop nila ang mga bahay na puno ng lahat ng mabubuting bagay, ang mga balon ay nahukay na, ang mga ubasan at halamanan ng olibo, at punong prutas ay nananagana. Kaya sila ay kumain, nabusog, nasiyahan, at labis na natuwa sa kanilang mga sarili dahil sa iyong dakilang kabutihan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 13:27Sinabi nila kay Moises, “Narating namin ang lupain kung saan mo kami ipinadala. Tunay na dinadaluyan ito ng gatas at pulot-pukyutan. Narito ang ilan sa mga bunga mula roon.
Deuteronomy 6:10Kapag dadalhin kayo ni Yahweh na inyong Diyos doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ama, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, ibibigay niya sa inyo, ang malawak at ang mga napakagandang lungsod na hindi ninyo itinayo,
Deuteronomy 8:7Dahil dadalhin kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa mabuting lupain, isang lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at mga talon, na umaagos sa mga lambak at sa mga burol;
Deuteronomy 32:13Hinayaan niya kayong sumakay sa tayog ng lupain, at siya ay pinakain niya ng mga bunga ng bukid; kayo ay pinalusog niya ng pulut na mula sa bato, at langis na mula sa matigas na matarik na bato.
Deuteronomy 32:15Pero lumaki si Jeshurun na mataba at sumisipa, puno ng taba, matipuno, at makinis. Tinalikuran nila ang Diyos na gumawa sa kanila, at itinanggi nila ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
1 Kings 14:9Sa halip, ginawa mo ang kasamaan, higit sa lahat ng nauna sa iyo. Gumawa ka ng ibang mga diyos, at hinulmang mga imaheng bakal para galitin ako, at sinaksak mo ako sa aking likuran.