The Bible Software
bible.softwareNehemiasNehemias 9 › Nehemias 9:28

Nehemias 9:28

Pero pagkatapos nilang makapagpahinga, gumawa ulit sila ng kasamaan sa harapan mo, at ipinaubaya mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, kaya pinamahalaan sila ng kanilang mga kaaway. Pero nang bumalik sila at umiyak sa iyo, dininig mo sila mula sa langit, at maraming beses, dahil sa iyong habag, na iniligtas mo sila.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

But after they had rest, they did evil again before thee: therefore leftest thou them in the hand of their enemies, so that they had the dominion over them: yet when they returned, and cried unto thee, thou heardest them from heaven; and many times didst thou deliver them according to thy mercies;

In Context

27Kaya binigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na nagdulot ng kanilang paghihirap. At sa oras ng kanilang paghihirap, sila ay umiyak sa iyo at dininig mo sila mula sa langit at maraming beses mo silang iniligtas sa kamay ng kanilang mga kaaway dahil sa inyong dakilang awa.

29Binalaan mo sila para manumbalik sila sa iyong batas. Pero kumilos sila nang may pagmamataas at hindi nakinig sa iyong mga kautusan. Sila ay nagkasala laban sa iyong mga kautusan na nagbibigay ng buhay sa sinumang sumusunod dito. Hindi nila sinunod ang mga iyon, at hindi nila ito binigyan ng pansin, at tinanggihan nilang makinig sa mga iyon.

Read all of Nehemias 9

Cross References

Judges 2:19Pero kapag namatay ang hukom, tatalikod sila at gagawa ng mga bagay na higit na masahol kaysa sa ginawa ng kanilang mga ama. Susunod sila sa ibang mga diyus-diyosan para paglingkuran at sambahin sila. Tumanggi silang isuko ang anumang masasamang gawi nila o ang kanilang mga suwail na paraan.

Judges 3:30Kaya nang araw na iyon napasuko ang Moab sa pamamagitan ng lakas ng Israel. At nagkaroon ng kaginhawaan ang lupain sa loob ng walumpung taon.

Judges 5:31Kaya nawa'y mamatay ang lahat inyong kaaway, Yahweh! Pero hayaan ang umibig sa kaniya na maging katulad ng araw kapag sumikat ito sa kaniyang lakas.” At may kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon.

1 Kings 8:39Pagkatapos ay makinig ka mula sa kalangitan, ang lugar kung saan ka naninirahan, magpatawad at kumilos, at bigyan ng gantimpala ang bawat tao sa kaniyang ginagawa; alam mo ang kaniyang puso, dahil ikaw at ikaw lamang ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.

Psalms 106:43Maraming beses, pumunta siya para tulungan sila, pero nanatili silang naghihimagsik at ibinaba sila dahil sa sarili nilang kasalanan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Nehemias 9:28

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Nehemias 9:27Nehemias 9Nehemias 9:29 →