Nehemias 9:29
Binalaan mo sila para manumbalik sila sa iyong batas. Pero kumilos sila nang may pagmamataas at hindi nakinig sa iyong mga kautusan. Sila ay nagkasala laban sa iyong mga kautusan na nagbibigay ng buhay sa sinumang sumusunod dito. Hindi nila sinunod ang mga iyon, at hindi nila ito binigyan ng pansin, at tinanggihan nilang makinig sa mga iyon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 10:3Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin.
Deuteronomy 4:26tatawagin ko ang langit at lupa para maging saksi laban sa inyo sa araw na ito para kayo ay mamamatay sa madaling panahon mula sa lupain na inyong pupuntahan sa ibayo ng Jordan para angkinin; Hindi ninyo mapapahaba ang inyong mga araw sa loob nito, pero kayo ay ganap niyang wawasakin.
Deuteronomy 31:27Dahil alam ko ang inyong mga paghihimagsik at inyong katigasan; tingnan ninyo, habang patuloy akong nabubuhay kasama ninyo kahit sa araw na ito, kayo ay naging mapanghimagsik laban kay Yahweh; paano pa pag ako ay patay na?
2 Kings 17:13Gayon man si Yahweh ay nagpahayag sa Israel at sa Juda sa bawat propeta at sugo, sinasabing, ''Talikuran ang inyong masasamang gawa at sundin aking mga utos at aking mga bilin, at maingat na sundin lahat ng batas aking pinag-utos sa inyong mga ama, at aking ipinabatid sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod ang mga propeta.''
2 Chronicles 24:19Gayunman, nagpadala siya ng mga propeta sa kanila upang muli silang ibalik sa kaniya, kay Yahweh. Nagpatotoo ang mga propeta laban sa mga tao, ngunit ayaw nilang makinig.
Nehemiah 9:10Nagbigay ka ng mga tanda at kababalaghan laban sa Paraon, at sa lahat ng kaniyang mga alipin, at sa lahat ng mga tao sa kaniyang lupain, dahil alam mo na ang mga taga-Ehipto ay kumilos nang may pagmamataas laban sa kanila. Pero gumawa ka ng pangalan para sa iyong sarili na nananatili hanggang sa araw na ito.