Nehemias 9:37
Ang masaganang ani mula sa aming mga lupain ay napupunta sa mga hari na iyong itinakda para sa amin dahil sa aming mga kasalanan. Sila ang namamahala sa aming mga katawan at sa aming mga alagang hayop ayon sa kanilang kagustuhan. Kami ay nasa labis na pagdurusa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:33Ang ani ng inyong lupain at lahat ng inyong mga pinaghirapan—isang bansa na hindi ninyo kilala ang kakain nito; lagi kayong aapihin at dudurugin,
Deuteronomy 28:48kaya magsisilbi kayo sa mga kalaban na ipinadala ni Yahweh laban sa inyo; pagsisislbihan ninyo sila sa gutom, sa uhaw, sa pagkahubad, at sa kahirapan. Maglalagay siya ng pamatok na bakal sa inyong mga leeg hanggang sa mawasak niya kayo.
Ezra 4:13Ngayon malaman nawa ng hari na kung ang lungsod na ito ay naitayo at ang pader ay natapos, hindi sila magbibigay ng kahit na anong pagkilala at buwis, subalit pipinsalain nila ang mga hari.
Ezra 7:24Ipinababatid namin sa kanila ang tungkol sa iyo hindi upang magpataw ka ng kahit na anong pagkilala o mga buwis sa sinuman sa mga pari, mga levita, mga musikero, mga bantay-pinto, o sa mga taong itinalaga sa paglilingkod sa templo at sa mga tagapaglingkod sa tahanang ito ng Diyos.
John 8:33Sumagot sila sa kaniya, “Kami ay mga lahi ni Abraham at hindi kailanman inalipin ng kahit sinuman; paano mo nasabi, 'Kayo ay mapapalaya?”