Numbers 11:10
Narinig ni Moises ang iyakan ng mga tao sa kanilang mga pamilya, at ang bawat lalaki ay naroon sa pasukan sa kaniyang tolda. Labis na nagalit si Yahweh, at sa mga mata ni Moises ang pagrereklamo nila ay mali.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9Kapag bumaba ang hamog sa kampo sa gabi, bumabagsak din ang manna.
Cross References
Numbers 11:1Ngayon nagreklamo ang mga tao tungkol sa kanilang mga kabalisahan habang nakikinig si Yahweh. Narinig ni Yahweh ang mga tao at nagalit. Nagliyab sa kanila ang apoy na mula kay Yahweh at tinupok ang ilang bahagi ng kampo sa mga gilid nito.
Numbers 12:9Nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa kanila at iniwan niya sila.
Numbers 16:27Kaya ang sambayanan sa magkabilaan ay iniwan ang mga tolda nina Korah, Datan, at Abiram. Lumabas sila Datan at Abiram at tumayo sa pasukan ng kanilang mga tolda, kasama ng kanilang mga asawa, mga anak, at kanilang mga maliliit.
Numbers 21:5Lubos na napanghinaan ng loob sa paglalakbay ang mga tao. Nagsalita ang mga tao laban sa Diyos at kay Moises: “Bakit mo kami pinalabas sa Ehipto upang mamatay sa ilang? Walang tinapay, walang tubig, at ayaw namin ang nakakasawang pagkaing ito.”
Psalms 78:21Nang narinig ito ni Yahweh, nagalit siya; kaya nag-alab ang kaniyang apoy laban kay Jacob, nilusob ng galit niya ang Israel,
Psalms 106:25pero nagrereklamo sila sa loob ng kanilang mga tolda, at hindi sila sumunod kay Yahweh.