Numbers 11:25
Bumaba si Yahweh sa ulap at nagsalita kay Moises. Kinuha ni Yahweh ang ilan sa Espiritu na naroon kay Moises at nilagay ito sa pitumpung nakakatanda. Nang tumahan ang Espiritu sa kanila, nagpahayag sila, ngunit sa pagkakataong iyon lamang at hindi na naulit pa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 34:5Bumaba si Yahweh sa ulap at tumayo doon kasama si Moises, at binigkas niya ang pangalang “Yahweh.”
Numbers 11:17Bababa ako at kakausapin ko kayo roon. Kukunin ko ang ilan sa Espiritu na nasa iyo at ilalagay ko ito sa kanila. Dadalhin nila ang pagpapahirap ng mga tao kasama mo. Hindi mo na dadalhin itong mag-isa.
Numbers 16:25Pagkatapos, bumangon si Moises at pumunta kina Datan at Abiram; sinundan siya ng mga nakakatanda ng Israel.
1 Samuel 10:5Matapos iyon, paroroon ka sa burol ng Diyos, kung saan naroon ang kuta ng mga Filisteo. Kapag nakarating ka sa lungsod, makakasalubong ka ng isang pangkat ng propetang pababa mula sa mataas na lugar na may alpa, panderetas, plauta, at lira sa harapan nila; magsisipanghula sila.
1 Samuel 19:20Pagkatapos nagpadala si Saul ng mga mensahero upang hulihin si David. Nang makita nila ang samahan ng mga propetang nanghuhula, at tumatayo si Samuel bilang kanilang pinuno, nagtungo ang Espiritu ng Diyos sa mga mensahero ni Saul, at nanghula din sila.
Nehemiah 9:20Binigay mo ang mabuti mong Espiritu para turuan sila, at ang iyong manna ay hindi mo ipinagkait sa kanilang mga bibig, at binigyan mo sila ng tubig para sa kanilang pagkauhaw.