Numbers 12:2
Sinabi nila, “Kay Moises lamang ba nagsalita si Yahweh? Hindi rin ba siya nagsalita sa amin?” Ngayon narinig ni Yahweh kung ano ang kanilang sinabi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Ngayon ang lalaking si Moises ay lubos na mapagpakumbaba, higit pa sa sinuman sa mundo.
Cross References
Genesis 29:33Pagkatapos muli siyang nagdalang-tao at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Dahil narinig ni Yahweh na hindi ako minahal, kaya binigyan din niya ako ng anak na lalaki,” at pinangalanan niya itong Simeon.
Exodus 4:30Sinabi ni Aaron ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh kay Moises. Ipinakita niya rin ang mga palatandaan ng kapangyarihan ni Yahweh sa paningin ng mga tao.
Exodus 7:10Pagkatapos pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon, at ginawa nila ayon sa inutos ni Yahweh. Tinapon ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harapan ni Paraon at kaniyang mga lingkod, at ito ay naging isang ahas.
Numbers 11:1Ngayon nagreklamo ang mga tao tungkol sa kanilang mga kabalisahan habang nakikinig si Yahweh. Narinig ni Yahweh ang mga tao at nagalit. Nagliyab sa kanila ang apoy na mula kay Yahweh at tinupok ang ilang bahagi ng kampo sa mga gilid nito.
Numbers 16:3Nagkatipon sila upang harapin sina Moises at Aaron. Sinabi nila sa kanila, “Kumukuha kayo nang labis para sa inyong mga sarili. Ang buong sambayanan ay banal, inilaan kay Yahweh, ang bawat isa sa kanila, at si Yahweh ay kasama nila. Bakit ninyo inaangat ang inyong mga sarili sa ibabaw ng natitirang sambayanan ni Yahweh?”
2 Kings 19:4Maaaring pakikinggan ni Yahweh ang inyong Diyos ang lahat ng mga sinabi ng punong tagapag-utos, na pinadala ng hari ng Asiria na kaniyang panginoon para labanan ang buhay na Diyos, at sasawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh na inyong Diyos. Ngayon ay itaas ninyo ang inyong mga panalangin para sa mga nalalabing naririto pa.”