Numbers 12:6
Sinabi ni Yahweh, “Ngayon makinig kayo sa aking mga salita. Kapag kasama ninyo ang aking propeta, inihahayag ko ang aking sarili sa kaniya sa mga pangitain at nagsasalita ako sa kaniya sa mga panaginip.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
7Hindi ganyan ang aking lingkod na si Moises. Matapat siya sa lahat ng aking sambahayan.
Cross References
Genesis 15:1Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, “Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala.”
Genesis 28:12Siya ay nanaginip at nakakita ng hagdanang itinayo sa mundo. Ang tuktok nito ay umaabot sa langit at ang mga anghel ng Diyos ay akyat-panaog doon.
Genesis 31:10Minsan sa panahon ng pagpaparami, nakita ko sa isang panaginip ang mga lalaking kambing na nakikipagtalik sa kawan. Ang mga lalaking kambing ay mga guhitan, batik-batik at may butlig.
Genesis 37:9Nanaginip siya ulit ng panaginip at sinabi niya ito sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, nanaginip ako ng ibang panaginip: Ang araw at ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko pababa sa akin.”
Exodus 7:1Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Tingnan mo, ginawa kitang parang isang diyos kay Paraon. Si Aaron na iyong kapatid ang magiging propeta mo.
Deuteronomy 18:18Magtatatag ako ng isang propeta para sa kanila mula sa kanilang mga kapatid, na katulad mo. Ilalagay ko ang aking mga salita sa kaniyang bibig, at sasabihin niya sa kanila ang lahat ng iniutos ko sa kanila.