Numbers 13:22
Umakyat sila mula sa Negev at dumating sa Hebron. Naroon ang mga Ahiman, Sesai, at Talmai, mga angkan na nagmula kay Anak. Ngayon, ang Hebron ay itinayo, pitong taon na bago ang Zoan sa Ehipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 13:18Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh.
Numbers 13:17Ipinadala sila ni Moises upang suriin ang lupain ng Canaan. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa Negev at umakyat kayo sa maburol na lugar.
Joshua 11:21Pagkatapos dumating si Josue sa panahong iyon at winasak niya ang Anakim. Ginawa niya ito sa maburol na bansa, sa Hebron, Debir, Anab, at sa lahat ng maburol na bansa ng Juda, at sa lahat ng maburol na bansa ng Israel. Ganap na winasakl ni Josue sila at kanilang mga lungsod.
Joshua 15:13Sa pagsunod ng utos ni Yahweh kay Josue, Binigyan ni Josue si Caleb na anak na lalaki ni Jepunne ng isang itinalagang lupain sa kalagitnaan ng lipi ng Juda, Kiriat, Arba, iyon ay Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.)
Joshua 21:13Ibinigay nila ang Hebron sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na pari kasama ang mga lupang pastulan nito—na isang kanlungang lungsod para sa sinuman na nakapatay sa iba ng hindi sinasadya—at Libna kasama ang mga lupang pastulan nito,
2 Samuel 2:1Pagkaraan nito nagtanong si David kay Yahweh at sinabi, “Pupunta ba ako sa isa sa mga lungsod sa Juda?” Sumagot si Yahweh sa kaniya, “Pumunta ka.” Sabi ni David, “Sa anong lungsod ako pupunta?” Sumagot si Yahweh, “Sa Hebron.”